Sunday, October 28, 2007

♥ sylvanna cravings ♥

i love my new jacket! haha!

enrollment kanina.. medyo mahaba din ang pila, pero tolerable pa naman, kasama ko naman si niña at jah e. pagpasok naman sa loob eh mabilis lang sa assessment saken dahil may educational plan sa prudential. kainis yung nasa teller na napilahan ko sa payment na, sobrang tagal at mali ang sistema. hindi gumagalaw yung pila namin tas unang inaasikaso yung nasa kabilang pila na assessment. after 10 years, nagdecide na ako na lumapit at ibigay ang form ko. sabi niya, "miss, mamaya ka pa, meron pang mga form dito." sabi ko naman, "eh miss kanina pa ako nakapila dito, sa totoo lang hindi naman gumagalaw yung pila namin kanina pa dahil inuuna yung nasa kabilang assessment. kanina pa nga tapos mga kasabay ko na saibang counter pumila e." eh di todo explain ako, sa maayos na paraan naman. ayun, medyo na-realize siguro niya na may point ako kaya inayos na yung saken. kawawa naman yung mga nasa likod ko, nahihiya yata sila magreklamo. para saken naman, bakit ka kailangang mahiya kung nasa tama ka naman at kung sasabihin mo yung gusto mong sabihin sa maayos na paraan, di ba?

pagkatapos noon, church muna kami. ayos nga e, may kinakasal. tapos ang saya nung kanta, parang pangbirthday yung mass songs. hehe Ü pero siguro ako, gusto ko solemn yung wedding, yung tipong medyo maiiyak ka at mararamdaman mo yung bagong mundong papasukin mo kasama ang "partner for life" mo. bah, minsan ka lang naman ikakasal ah!

walang group lakad kasi gustong umuwi kagad ni arianne sa dagupan dahil sabay siya sa tita niya at kapatid, may lakad si jah dahil puntang mandaluyong, gusto na rin umuwi ni chie sa batangas dahil pagod daw siya, wala si deb kasi umuwi kagad sa blumentritt pero tingin ko trip pa rin niyang maglakwatsa at umuwi siya para magpalit ng damit. kahit na may konting damdam ako sa kanila dahil plano na nung kuhaan ng clearance na may lakad after enrollment, ok lang kasi di naman masyadong importante yung lakad at mahahalagang lakad yung pupuntahan nila. masaya din ako dahil kinausap ako ni chie, ang tagal na kasi niyang hindi nagpaparamdam sa amin, ewan ko ba kung bakit. siguro dahil sa hindi natuloy na outing sa batangas.

dahil may plano talaga kami ni niña na bumili ng jacket that day, nagdate na lang kaming dalawa sa megamall. inabot na ng 2years dahil sa traffic, pero ok lang. dami naman kaming napag-usapan e, saka, there's no dull moment kapag kasama ko ang sis ko. di makalimutan yung kwento sa mga kamanyakan ng mga lalakeng makakapal ang muka. yung sinasadyang maniniko ng b**bs. at ang kwento sa pagsapak ko sa isa sa kanila. manyak e. dapat lang sa kanya yun.

matagal na talaga naming planong bumili ng jacket. at dahil nga mahal yung nagustuhan naming jacket sa nike, ang tagal din pinagipunan. dugo at pawis at panlalambing sa mga tito at tita ang puhunan ko. haha! pero, sheeeeet talaga kasi ang ganda nung nabili namin. una kaming pumunta sa nike stadium sa sm megamall. sa kamalasan, wala ng medium nung style na gusto namin. so ask kami kay kuya kung meron sa nike stadium sa shangrila. ayun, meron ng size nmin kaya naglakbay kami papuntang shang. dahil type talaga namin yung jacket, dedma ang paltos na inabot ng paa.

after jacket, tiyan naman namin ang problema. balik ulit kami sa mega para kumaen. foodtrip ang drama. di nman ako masyadong nagtakaw, konti lng.. hmm.. lumpiang sariwa, sisig w/ rice, at medium iced tea. at dahil hindi kami satisfied sa kinaen, and i quote, "nguya lang ako ng nguya e, hindi ko na nalasahan yung kinakaen ko". sheeet, gutom nga naman.. haha! so nagyaya si niña na magmuffin sa mr donut. on the way, nadaanan namin yung brownies unlimited. dahil favorite ni mama yun, i decided to buy her 6-pak. tas nagbilin din si mommy, mama ni niña, ng brownies kaya bili din si niña. tas natakam kami sa sylvannas. ayun, first time kong nakakaen ng ganun dahil matamis daw sabi ni sis. haaaay love it soo much. sarap nga. haha! naalala ko yung tanong ko kay niña, "teka, pano kainin to. ganito, ahmm?" Ü



sensya na, feel ko lang talaga magkwento sa mga nangyari saken ngayong araw na to. although medyo walang saysay tong post ko, eh ganun talaga, gusto ko magshare e. haha! talagang sobrang detalyado pa.. hehe.. i guess, dahil yun sa fact na lagi akong masaya kapag kasama ko sis ko. there's no dull moment with her. thanks sis! happy ako kasi nakapagusap na tayo ulit nga maayos. updated na ako ulit sayo. haha Ü sana lumamig na yung panahon o kya mejo umulan para magamit na naten yung jacket! Ü

i love my new jacket! haha!

2 comments:

zeus-zord said...

sana may pic ng jacket

hehe

jennylaine said...

hehehe Ü ala e.. dpat talaga maglalagay ako ng pic kaso wala saken digicam ko e, hiniram.. di masyadong kita yung style kapag sa fone nagpic kaya nxt tym na lng.. Ü