Monday, February 11, 2008

one last cry

i'm tired of hiding behind these lying eyes. i'm tired of these smile that even i don't recognize...

i've been keeping these thoughts for a long time now.. i've decided to spill it out on this entry.


Happiness comes in many forms -- in the company of good friends, in the feeling you get when you make someone else's dream come true, or in the promise of hope renewed. It's okay to let yourself be happy because you never know how fleeting that happiness might be.

sobrang bigat ng nararamdaman ko these past few weeks. ang hirap itago na lang sa sarili ko, ayokong makita ng iba na nadudurog na ang puso ko dahil sa mga gumugulo sa isip ko. ayokong mag-alala sila saken. mas gugustuhin ko ng makita nila na lagi akong masaya, nakangiti at tumatawa ng parang "happy-go-lucky" type. jmadalas kasi, gusto ko ako ang nakakapagpasaya sa ibang tao. gusto ko na makatulong para mawala o mapagaan yung mga problema nila. hindi ako sanay na ako ang inaalala. kaso lately, nahihirapan na akong itago yung nararamdaman ko. nakakapagod din pala na laging ngumite kahit sobrang nasasaktan na.

pinaka-importante sa akin ang pamilya ko, Lord knows na araw-araw kasama ito lagi sa mga dasal ko sa kanya. noon, nung akala ko masisira na ang pamilya ko, halos masiraan ako ng baet. sabi ko pa nga, gagawin ko lahat para lang maayos to. sa kanila ako kumukuha ng lakas ko, para sa kanila kaya nakakayanan ko lahat. kahit papano naman, nakayanan namin ang pagsubok na iyon.

ngayon, eto na naman. halos parehong rason, halos parehong pagkakataon. gusto ko pa rin gawin ang lahat. gusto ko maayos lahat. pero pakiramdam ko, ako na lang ang may gusto. ako na nga lang ba? haay di ko na alam. gusto kong magalit, gusto kong magwala, gusto ko iparamadam sa kanila na nasasaktan din kami. na may pakelam kami. na apektado din kami. kaso parang wala ring saysay. di rin sila nakikinig. ang hirap umiyak mag-isa, pero ang hirap din sabihin sa iba ang nararamdaman ako dahil natatakot ako na baka pag sinabi ko, di na ko tumigil sa kakaiyak.

secret lang natin to a, very confidential matter e. wag mong sasabihin sa iba. promise? game.


There are moments in our lives when we find ourselves at a crossroads. Afraid. Confused. Without a roadmap. The choices we make in those moments can define the rest of our days. Of course, when faced with the unknown, most of us would rather turn around and go back. But once in awhile people push on to something better-something found just beyond the pain of going it alone and just beyond the bravery and courage it takes to let someone in. Or to give someone a second chance. Something beyond the quiet persistence of a dream. Because it's only when you're tested that you discover who you truly are. And it's only when you're tested that you discover who you can be. The person you want to be does exist, somewhere on the other side of hard work, faith and belief, and beyond heartache and fear of what lies ahead.

nung 3rd year highschool ako, may dumating na problema sa pamilya namin. sa tingin ko kasi, maliit na problema lang to, yung tipong maayos na usapan lang magiging ok na ang lahat. kaso walang maayos na usapang nangyari kaya siguro lumaki. bakasyon noon ng tatay ko e. umabot sa puntong kailangan niyang umalis ng bahay. iyak ako ng iyak noon. inaantay ko na bumalik siya. dumaan ang tatlong araw, nagtext siya saken, sabi niya magkita daw kami sa jollibee asturias. may klase ako noon nung nabasa ko yung text. di na ako mapakali, gusto ko ng mag-cut para makita na siya. kaso, dahil nga highschool, di pa uso ang pag-cut nun. after class, kabadong-kabado na ako. yung tipong parang defense ko na, kaso ang kaibahan lang, hindi sarili ko yung ipagtatanggol ko. bago ako pumunta ako sa jollibee, tinawagan ko muna si mama. sabi ko, magkikita kami ni tatay ngayon. eto eksaktong sinabi niya saken, sa totoo lang tandang tanda ko pa eh.. "jenny, ikaw na bahala kung anong gusto mong mangyari sa atin. alam ko na kahit papano may galit ka sa akin, ngayon na pagkakataon mo kung gusto mo pang mabuo tayo ulit o magkaganito na lang. ikaw na bahala ah?" sinabi niya ito habang umiiyak. unang bese ko pa lang narinig si mama na umiyak noon. kahit kelan kasi, hindi ko siya nakitang umiyak. di ko nga alam na pwede rin pala siyang umiyak e. kasi ang pagkakakilala ko sa kanya e matapang at malakas. daig pa si darna at si wonderwoman. yung tipong walang makatitinag sa emosyon niya. mali pala ako doon. naiyak ako lalo nung narinig ko siyang umiiyak. lahat ng sama ng loob ko sa kanya noon e nawala. natakot ako sa mga nangyayari dahil mabigat na responsibiliadd ang dinala ko nung panahon yun. natakot ako dahil nakadepende ang lahat sa gagawin ko. natakot ako na mali ang magawa.

nagpunta na ako sa jollibee. nung nakita ko siya, naiyak na kagad ako. ayaw tumigil ng luha. sa totoo lang, wala akong nasabing matino kasi hindi ako makapagsalita ng ayos. sabi niya kasi saken, ako na daw bahala sa bankbook niya, at ipapaschedule na daw niya ng mas maaga yung pagbalik niyang libya. isipin mo, less than one month lang bakasyon niya tapos mas maaga pa siya aalis? at parang yung tipong wala ng balikan. shet. parang gumunaw mundo ko. sabi ko, uwi muna siya sa amin, mag-usap muna sila. ayaw daw niya, wala na daw silang kailangang pagusapan pa. di na ako makaimik. siguro dahil naawa siya saken kaya nagdesisyon na rin siya na sumama sa bahay.


Sometimes pain becomes such a huge part of your life that you expect it to always be there. Because you can't remember a time when it wasn't. But then one day, you feel something else. Something that feels wrong, only because it's so unfamiliar. And in that moment you realize, you're happy.

di ko na eelaborate pa kung ano mga nangyari pagkatapos nun. basta naging ok ang lahat. sobrang thankful ako kay Lord dahil ginrant niya lahat ng dasal ko. hanggang dumating na naman tong ever-present na problema. hindi ko na sasabihin kung bakit o kung ano dahilan. wala akong kinakampihan, pero sa tingin ko, isang malaking factor dito ang distance. di kasi nila mapagusapan ng maayos yung mga kailangan nilang linawin. kaya isang maliit na bagay, masyadong lumalaki. basta walang ginawang masama si mama, nagkataon lang na walang maghahatid sa tito ko. madaling araw na niya sinabi. dapat si kuya che kaso may pasok kinabukasan, eh 3am ang alis. si kuya carnette naman, walang lisensiya. ewan ko ba kasi kung bakit kelangan pang ihatid sa airport samantalang pwede namang magtaxi na lang papunta. nagpunta si tito kay mama, tinanong niya kung pwede daw ba si melvin. sabi ni mama, hindi niya alam. tinawagan ni tito si melvin, kinausap niya para siya ang maghatid dahil wala ng ibang magddrive, babayaran naman niya e. asan dito ang kasalanan ni mama? di ko talaga makita.

pero di ko rin sinasabing kasalanan ni tatay. naiintindhian ko namnan na kapag malayo e talagang maraming mga naiisip na lalong nakakagulo. kaso, hindi namin alam na galit pala siya, di namin naisip na magagalit siya, kasi unang-una, wala naman kaming maisip na dahilan para magalit siya e. ang kinaiinisan ko lang sa lahat ng mga nangyayari, bakit hindi nila magawang mag-usap ng maayos para magkaliwanagan sila? sinabi ko na naman ito kay tatay kaso parang ayaw niyang makinig. parang sarado ang isip niya. yun ang masakit.


As we strain to grasp the things we desire, the things we think will make our life better, money, popularity, fame, we ignore the things that truly matter. The simple things like friendship, family, love, the things we probably already had.

minsan naiisip ko, siuro kung hindi nagtatrabaho sa iabng bansa si tatay magiging maayos ang lahat. bakit ba kasi kalinagan magtrabaho pa sa malayo? bakit ba kasi maraming umaalis ng bansa para maitaguyod ang pamilya? bakit maraming pamilya ang kailangan magsakripisyo at magtiis na malayo sa isa't isa? pero alam ko naman ang sagot e. kailangan kumita ng pera para makapag-aral kami at magkaron ng maayos na pamumuhay. para makabili ng mga cellphone, psp, digicam, sasakyan, bahay, at kung anu-ano pa. hindi ako magpapaka-plastik at sasabihing ayoko ng mga bagay na ito. gusto ko syempre, ang ayoko lang, kailangan pang malayo sa isa't isa para lang mabili yung mga luhong yan. nakakainis di ba? gusto mo, pero ayaw mo.


They give their hearts to each other unconditionally ...that's what true love really is. It's not this fairy tale life that never knows pain, but it's two souls facing it together and diminishing it with unconditional love.

at minsan, di ko rin maiwasang hindi isipin na bakit pa kailangan magpakasal kung magkakahiwalay din? of course, di ko ini-imply na maghihiwalay sila. yun ang pinaka-ayaw kong mangyari. pero syempre dahil kahit papano nagmamature na ako, alam ko na kahit mga 2% pwedeng magkatotoo yun sa lahat ng mag-asawa. bullshit di ba? sa kasal, nangangako kayo na hindi maghihiwalay, for better or for worse, for richer and for poorer, in sickness and in health, till death do us part. ekek. damn it. kaya ayoko sa pangako e, kasi ang tendency laging masira lang. shitness talaga. bakit hindi niyo maayos yung kailangan ayusin? bakit simple at maayos na pag-uusap lang hindi niyo magawa? minsan talaga, gusto kong iwish na wag ng makasal yung mga maghihiwalay din sa huli. maskit eh, iniisip ko palang, sobrang nasasaktan na ako. buti sana kung yung mismong magasawa lang ang apektado sa mga gusto nilang mangyari e. eh pano kung may mga anak na sila. kapag ayaw na nila, stop na, ganun? bahala na silang lahat basta ayaw ko na, ganun? di ko na kaya kaya suko na ako, ganun? eh pano na kami? ganun na lang, ganun?


You can find the good in anybody if you just give them a chance, benefit of the doubt.Sometimes people disappoint you, sometimes they surprise you, but you never really get to know them until you listen for what's in their heart.

naiisip ko, bakit kay mama kailangan isisi lahat ng bagay na wala naman siyang kasalanan? bakit nung na-sheriff yung rights, kay mama nagalit, eh wala naman siyang alam sa mga tumatakbong kaso na pala nung bahay na yun. bakit hindi siya magalit sa mga kamag-anak niya? bakit kahit kelan, hindi niya pinagsabihan yung mga yun kapag nagkakamali sila, kapag inaaway nila kami?! sana ipagtanggol namna niya kami, kasi kami na ang pamilya niya ngayon. kahit kelan, hindi niya pinagsabihan yung mga MABABAIT niyang kapatid na lagi na lang KABUTIHAN ang ginagawa sa amin. nasaan ang justice? bakit di mo mapagtanggol si mama?

nung binagsakan mo siya ng telepono, at ayaw mo akong makachat o sumagot man lang sa email, umiyak kami. katabi ko lang siya nun, hindi ko man nakitang may tumulong luha sa mata mukha niya, pero alam ko na umiiyak siya. alam ko na sooooooobrang nasasaktan siya. at alam ko din na mahal na mahal ka niya. di ko siya magawang tignan dahil ayokong makita din niya na umiiyak din ako. nahihirapan din siya. hindi lang ikaw. hindi lang kayo. minsan sana maiisp niyo din kami. sana lang.

dati, nung unang mangyari to, ipinagdasal ko na sana magkaayos kayo at mabuo muli ang pamilya natin. mahal na mahal ko kayo. pero ngayon, kapag nagdadasal ako, sinasabi ko na lang na sana, kung ano yung talagang gusto nilang mangyari, yun ang mangyari. na sana kung ano yung gusto ng puso nila, yun ang matupad. kasi alam ko na sa puso nila, gusto rin nilang maayos ang lahat. alam ko yun. nararamdaman ko yun. at sana gumawa sila ng paraan para mangyari kung ano yung gusto ng puso nila.


You have one chance, one life, and what you do with it is up to you.