Showing posts with label pain. Show all posts
Showing posts with label pain. Show all posts

Monday, February 11, 2008

one last cry

i'm tired of hiding behind these lying eyes. i'm tired of these smile that even i don't recognize...

i've been keeping these thoughts for a long time now.. i've decided to spill it out on this entry.


Happiness comes in many forms -- in the company of good friends, in the feeling you get when you make someone else's dream come true, or in the promise of hope renewed. It's okay to let yourself be happy because you never know how fleeting that happiness might be.

sobrang bigat ng nararamdaman ko these past few weeks. ang hirap itago na lang sa sarili ko, ayokong makita ng iba na nadudurog na ang puso ko dahil sa mga gumugulo sa isip ko. ayokong mag-alala sila saken. mas gugustuhin ko ng makita nila na lagi akong masaya, nakangiti at tumatawa ng parang "happy-go-lucky" type. jmadalas kasi, gusto ko ako ang nakakapagpasaya sa ibang tao. gusto ko na makatulong para mawala o mapagaan yung mga problema nila. hindi ako sanay na ako ang inaalala. kaso lately, nahihirapan na akong itago yung nararamdaman ko. nakakapagod din pala na laging ngumite kahit sobrang nasasaktan na.

pinaka-importante sa akin ang pamilya ko, Lord knows na araw-araw kasama ito lagi sa mga dasal ko sa kanya. noon, nung akala ko masisira na ang pamilya ko, halos masiraan ako ng baet. sabi ko pa nga, gagawin ko lahat para lang maayos to. sa kanila ako kumukuha ng lakas ko, para sa kanila kaya nakakayanan ko lahat. kahit papano naman, nakayanan namin ang pagsubok na iyon.

ngayon, eto na naman. halos parehong rason, halos parehong pagkakataon. gusto ko pa rin gawin ang lahat. gusto ko maayos lahat. pero pakiramdam ko, ako na lang ang may gusto. ako na nga lang ba? haay di ko na alam. gusto kong magalit, gusto kong magwala, gusto ko iparamadam sa kanila na nasasaktan din kami. na may pakelam kami. na apektado din kami. kaso parang wala ring saysay. di rin sila nakikinig. ang hirap umiyak mag-isa, pero ang hirap din sabihin sa iba ang nararamdaman ako dahil natatakot ako na baka pag sinabi ko, di na ko tumigil sa kakaiyak.

secret lang natin to a, very confidential matter e. wag mong sasabihin sa iba. promise? game.


There are moments in our lives when we find ourselves at a crossroads. Afraid. Confused. Without a roadmap. The choices we make in those moments can define the rest of our days. Of course, when faced with the unknown, most of us would rather turn around and go back. But once in awhile people push on to something better-something found just beyond the pain of going it alone and just beyond the bravery and courage it takes to let someone in. Or to give someone a second chance. Something beyond the quiet persistence of a dream. Because it's only when you're tested that you discover who you truly are. And it's only when you're tested that you discover who you can be. The person you want to be does exist, somewhere on the other side of hard work, faith and belief, and beyond heartache and fear of what lies ahead.

nung 3rd year highschool ako, may dumating na problema sa pamilya namin. sa tingin ko kasi, maliit na problema lang to, yung tipong maayos na usapan lang magiging ok na ang lahat. kaso walang maayos na usapang nangyari kaya siguro lumaki. bakasyon noon ng tatay ko e. umabot sa puntong kailangan niyang umalis ng bahay. iyak ako ng iyak noon. inaantay ko na bumalik siya. dumaan ang tatlong araw, nagtext siya saken, sabi niya magkita daw kami sa jollibee asturias. may klase ako noon nung nabasa ko yung text. di na ako mapakali, gusto ko ng mag-cut para makita na siya. kaso, dahil nga highschool, di pa uso ang pag-cut nun. after class, kabadong-kabado na ako. yung tipong parang defense ko na, kaso ang kaibahan lang, hindi sarili ko yung ipagtatanggol ko. bago ako pumunta ako sa jollibee, tinawagan ko muna si mama. sabi ko, magkikita kami ni tatay ngayon. eto eksaktong sinabi niya saken, sa totoo lang tandang tanda ko pa eh.. "jenny, ikaw na bahala kung anong gusto mong mangyari sa atin. alam ko na kahit papano may galit ka sa akin, ngayon na pagkakataon mo kung gusto mo pang mabuo tayo ulit o magkaganito na lang. ikaw na bahala ah?" sinabi niya ito habang umiiyak. unang bese ko pa lang narinig si mama na umiyak noon. kahit kelan kasi, hindi ko siya nakitang umiyak. di ko nga alam na pwede rin pala siyang umiyak e. kasi ang pagkakakilala ko sa kanya e matapang at malakas. daig pa si darna at si wonderwoman. yung tipong walang makatitinag sa emosyon niya. mali pala ako doon. naiyak ako lalo nung narinig ko siyang umiiyak. lahat ng sama ng loob ko sa kanya noon e nawala. natakot ako sa mga nangyayari dahil mabigat na responsibiliadd ang dinala ko nung panahon yun. natakot ako dahil nakadepende ang lahat sa gagawin ko. natakot ako na mali ang magawa.

nagpunta na ako sa jollibee. nung nakita ko siya, naiyak na kagad ako. ayaw tumigil ng luha. sa totoo lang, wala akong nasabing matino kasi hindi ako makapagsalita ng ayos. sabi niya kasi saken, ako na daw bahala sa bankbook niya, at ipapaschedule na daw niya ng mas maaga yung pagbalik niyang libya. isipin mo, less than one month lang bakasyon niya tapos mas maaga pa siya aalis? at parang yung tipong wala ng balikan. shet. parang gumunaw mundo ko. sabi ko, uwi muna siya sa amin, mag-usap muna sila. ayaw daw niya, wala na daw silang kailangang pagusapan pa. di na ako makaimik. siguro dahil naawa siya saken kaya nagdesisyon na rin siya na sumama sa bahay.


Sometimes pain becomes such a huge part of your life that you expect it to always be there. Because you can't remember a time when it wasn't. But then one day, you feel something else. Something that feels wrong, only because it's so unfamiliar. And in that moment you realize, you're happy.

di ko na eelaborate pa kung ano mga nangyari pagkatapos nun. basta naging ok ang lahat. sobrang thankful ako kay Lord dahil ginrant niya lahat ng dasal ko. hanggang dumating na naman tong ever-present na problema. hindi ko na sasabihin kung bakit o kung ano dahilan. wala akong kinakampihan, pero sa tingin ko, isang malaking factor dito ang distance. di kasi nila mapagusapan ng maayos yung mga kailangan nilang linawin. kaya isang maliit na bagay, masyadong lumalaki. basta walang ginawang masama si mama, nagkataon lang na walang maghahatid sa tito ko. madaling araw na niya sinabi. dapat si kuya che kaso may pasok kinabukasan, eh 3am ang alis. si kuya carnette naman, walang lisensiya. ewan ko ba kasi kung bakit kelangan pang ihatid sa airport samantalang pwede namang magtaxi na lang papunta. nagpunta si tito kay mama, tinanong niya kung pwede daw ba si melvin. sabi ni mama, hindi niya alam. tinawagan ni tito si melvin, kinausap niya para siya ang maghatid dahil wala ng ibang magddrive, babayaran naman niya e. asan dito ang kasalanan ni mama? di ko talaga makita.

pero di ko rin sinasabing kasalanan ni tatay. naiintindhian ko namnan na kapag malayo e talagang maraming mga naiisip na lalong nakakagulo. kaso, hindi namin alam na galit pala siya, di namin naisip na magagalit siya, kasi unang-una, wala naman kaming maisip na dahilan para magalit siya e. ang kinaiinisan ko lang sa lahat ng mga nangyayari, bakit hindi nila magawang mag-usap ng maayos para magkaliwanagan sila? sinabi ko na naman ito kay tatay kaso parang ayaw niyang makinig. parang sarado ang isip niya. yun ang masakit.


As we strain to grasp the things we desire, the things we think will make our life better, money, popularity, fame, we ignore the things that truly matter. The simple things like friendship, family, love, the things we probably already had.

minsan naiisip ko, siuro kung hindi nagtatrabaho sa iabng bansa si tatay magiging maayos ang lahat. bakit ba kasi kalinagan magtrabaho pa sa malayo? bakit ba kasi maraming umaalis ng bansa para maitaguyod ang pamilya? bakit maraming pamilya ang kailangan magsakripisyo at magtiis na malayo sa isa't isa? pero alam ko naman ang sagot e. kailangan kumita ng pera para makapag-aral kami at magkaron ng maayos na pamumuhay. para makabili ng mga cellphone, psp, digicam, sasakyan, bahay, at kung anu-ano pa. hindi ako magpapaka-plastik at sasabihing ayoko ng mga bagay na ito. gusto ko syempre, ang ayoko lang, kailangan pang malayo sa isa't isa para lang mabili yung mga luhong yan. nakakainis di ba? gusto mo, pero ayaw mo.


They give their hearts to each other unconditionally ...that's what true love really is. It's not this fairy tale life that never knows pain, but it's two souls facing it together and diminishing it with unconditional love.

at minsan, di ko rin maiwasang hindi isipin na bakit pa kailangan magpakasal kung magkakahiwalay din? of course, di ko ini-imply na maghihiwalay sila. yun ang pinaka-ayaw kong mangyari. pero syempre dahil kahit papano nagmamature na ako, alam ko na kahit mga 2% pwedeng magkatotoo yun sa lahat ng mag-asawa. bullshit di ba? sa kasal, nangangako kayo na hindi maghihiwalay, for better or for worse, for richer and for poorer, in sickness and in health, till death do us part. ekek. damn it. kaya ayoko sa pangako e, kasi ang tendency laging masira lang. shitness talaga. bakit hindi niyo maayos yung kailangan ayusin? bakit simple at maayos na pag-uusap lang hindi niyo magawa? minsan talaga, gusto kong iwish na wag ng makasal yung mga maghihiwalay din sa huli. maskit eh, iniisip ko palang, sobrang nasasaktan na ako. buti sana kung yung mismong magasawa lang ang apektado sa mga gusto nilang mangyari e. eh pano kung may mga anak na sila. kapag ayaw na nila, stop na, ganun? bahala na silang lahat basta ayaw ko na, ganun? di ko na kaya kaya suko na ako, ganun? eh pano na kami? ganun na lang, ganun?


You can find the good in anybody if you just give them a chance, benefit of the doubt.Sometimes people disappoint you, sometimes they surprise you, but you never really get to know them until you listen for what's in their heart.

naiisip ko, bakit kay mama kailangan isisi lahat ng bagay na wala naman siyang kasalanan? bakit nung na-sheriff yung rights, kay mama nagalit, eh wala naman siyang alam sa mga tumatakbong kaso na pala nung bahay na yun. bakit hindi siya magalit sa mga kamag-anak niya? bakit kahit kelan, hindi niya pinagsabihan yung mga yun kapag nagkakamali sila, kapag inaaway nila kami?! sana ipagtanggol namna niya kami, kasi kami na ang pamilya niya ngayon. kahit kelan, hindi niya pinagsabihan yung mga MABABAIT niyang kapatid na lagi na lang KABUTIHAN ang ginagawa sa amin. nasaan ang justice? bakit di mo mapagtanggol si mama?

nung binagsakan mo siya ng telepono, at ayaw mo akong makachat o sumagot man lang sa email, umiyak kami. katabi ko lang siya nun, hindi ko man nakitang may tumulong luha sa mata mukha niya, pero alam ko na umiiyak siya. alam ko na sooooooobrang nasasaktan siya. at alam ko din na mahal na mahal ka niya. di ko siya magawang tignan dahil ayokong makita din niya na umiiyak din ako. nahihirapan din siya. hindi lang ikaw. hindi lang kayo. minsan sana maiisp niyo din kami. sana lang.

dati, nung unang mangyari to, ipinagdasal ko na sana magkaayos kayo at mabuo muli ang pamilya natin. mahal na mahal ko kayo. pero ngayon, kapag nagdadasal ako, sinasabi ko na lang na sana, kung ano yung talagang gusto nilang mangyari, yun ang mangyari. na sana kung ano yung gusto ng puso nila, yun ang matupad. kasi alam ko na sa puso nila, gusto rin nilang maayos ang lahat. alam ko yun. nararamdaman ko yun. at sana gumawa sila ng paraan para mangyari kung ano yung gusto ng puso nila.


You have one chance, one life, and what you do with it is up to you.

Friday, October 26, 2007

best friends, forever?

flowers


It may not be the same,
But some things never change.
I feel it and I trust it,
I still believe in forever
Because that's what my heart knows.


Memories are the dew drops on our petals
That re-open the buds that have closed.
Flowers wilt as seasons change,
Though they grow a little more with rain.


The sun will shine when in need,
And left behind, a precious seed.




i know you'll never get to have the chance to read this post. i don't know what came to me and why i've decided to write a blog about us, but i think, i just miss the two of you, a lot. funny how it seems but even though we all live in one small street, we rarely see each other. i miss the old times when i can count on you both if ever i have problems or just anything to share. all the late night chatting while hanging out in either of our houses seem to all fade away in memories. what had happened to us? what had happened to our friendship? what's wrong after all the silence?

some things may have affected us, things that we are really not involved at all. all those petty neighborhood quarrels, and one dysfunctional guy, do these things matter at all? i really don't think so. i would not sacrifice our childhood friendship just because of problems that really doesn't concern the three of us.

jhing, we've been bestfriends since the time when i've known what bestfriend means. we had grown up together, known almost every member of our family, bonded thru countless occassions, spent numerous nights talking bout everything under the sun, and a lot more. i believe in what we've promised long ago that we'll be bestfriends forever no matter what happens. i really didn't expect that one situation would break our vow. no, they're not broken... i wouldn't, and couldn't let it be. i can't. seeing you just pass by our house without a single glance tears me up inside. i wanted to scream your name so you would turn and hug me tightly, just like what we used to do. you know, everytime your sister buys in our store, i deeply wanted to ask her how you're doing. i wanted to know if you're ok, if you're adjusting well at work, if you're really happy, all these and more. i wanted to tell you that it hurts me a lot when both of you decided not to come to my 18th birthday, because you're one of the few special persons that i really want to be with, and who has taken a big part in my life. i remember you're debut, when rachel and i acted as emcees. we're happy back then, enjoyed the company of each other, and told wishes and messages of a long bound friendship. eventhough we don't talk about what really happened to us, i know that the root of our silence is instilled in what happened among elldrich and both of our moms. don't let that situation affect us, please help me fight for our friendship. i can't do this all alone. i wanted to keep my promise, that i'll always be here for you thru ups and downs. i'll be here, still...

rachel, i know your feelings when we incidentally ride on the same jeep. you're uneasy, don't know how to act and say. i feel the same way. but i'm really glad when once, you've waited for me, walked home together and chatted bout things having safe topics. safe in a sense that we'll still feel free to say anything without thinking first of what the other one would feel. it pains me especially when i remember the times when we would just blurt out everything we want to say, not minding other's opinion, and just mentioning what our heart feels. even if i've known him first since we're classmates back in elementary, you know i will not be a hindrance to whatever feelings that you have for him. he's just a friend to me, and you are my bestfriend. if ever you ask me to choose between the two of you, there would be no doubt that it's you i'll pick. you don't even deserve to be just a choice, because you are a person i've learned to treasure in my heart. true friends are like treasures, they are difficult to search for, but once you've had them, they're worth all the hardships and pain. khel, you're a treasure to me...



this song is for both of you... best friends forever? i still believe in it. we'll make it thru this test, i know we can..

you first believed

How many times did I pray you'd find me
How many wishes on a star
Gazing off into the dark
Dreaming I'd see your face
Safe at home unafraid
Captured in your embrace

So many times
When my heart was broken
Visions of you would keep me strong
You were with me all along
Guiding my every step
You are all that I am
And I'll never forget

It was you who first believed
In all that I was made to be
It was you looking in my eyes
You held my hand
And showed me life
And I've never been the same
Since you first believed

There were times when I'd thought I'd lost you
Fearing forever was a dream
But it wasn't what it seemed
Placing your hand in mine
You could see in the dark
You were guiding my heart

It was you who first believed
In all that I was made to be
It was you looking in my eyes
You held my hand
And you showed me life
And I've never been the same
Since you first believed

How many times did I pray you'd find me
How many wishes on a star


i still hope that you two get to read this. i wish. i really do.

Monday, July 9, 2007

because of you? i don't know..

"don't waste your time on someone who doesn't appreciate you the way you should be
appreciated..
don't ever settle for mediocrity,
for being just an option,
for being the one who's just fun to be with,
for being the one who's always there desperately waiting,
for mere concern or pity,
or for someone who likes you just because he knows he's got the power to break you..
don't settle because deep down,
you know who you are
and you know without a doubt that you deserve better if not the best.."


now, i don't know what to think anymore.. hindi ko alam kung bakit nag-iba na naman ang pakikitungo mo saken.. di ko rin alam kung dapat ba akong matuwa or maging maingat dahil baka all of a sudden bigla ka na namang mawala.. pero sabi nga, kung gustong mong mangyaring maganda saten, you have to make a move before it's too late.. i've done my part, now it's your time to do yours..

*now playing*

Never Too Far - Mariah Carey

You’re with me

Til the bitter end

What we had transcends
This experience

Too painful to

Talk about

So I’ll hold it in

Til my heart can mend

And be brave enough to love again


A place in time

Still belongs to us

Stays preserved in my mind

In the memories there is solace


Never too far away

I won’t let time erase

One bit of yesterday

Cause I have learned that

Nobody can take your place

Though we can never be

I’ll keep you close to me

When I remember


Glittering lights

Incandescent eyes

Still preserved

In my mind

In the memories I’ll find solace


Never too far away

I won’t let time erase

One bit of yesterday

And I have learned that

Nobody can take your place

Though we can never be

I’ll keep you close to me

And I’ll remember


A place in time

Still belongs to us

Stays preserved in my mind

In the memories there is solace


Never too far away

I won’t let time erase

One bit of yesterday

Cause I have learned that

Nobody can take your place

And though we can never be

I’ll think of you and me

Always remember


Love


You’re never too far

Friday, June 22, 2007

so true

Sometimes, we just can't teach our hearts to love those lost souls back.. No matter how hard we try, the wounds left make it hard to forget but sooner or later it will become scars. Scars that you don't want to see.. But you can choose to forget it's there. And then our hearts reopens back for love, ready for a new one, just if we will, and when time is just right..

Wednesday, June 13, 2007

Memories Left Unsaid

"Everything that happen once can never happen again, but everything that happens twice would surely happen for the third time."

Matapos ang napakatagal na panahon, nasabi ko na rin sa sarili ko na ok na ako. Dumaan ang mga araw, mga linggo at taon ng wala ka sa tabi ko. Nakayanan ko yun, sabi ko pa nga, magiging ok ako kahit wala ka. Marami na rin mga nangyari sa buhay ko nun, marami na rin akong nakilala at may mga nagustuhan din. Pero ewan ko ba kung bakit parang nananadya ang pagkakataon, pinagsama tayo sa iisang okasyon.

Di maiwasan na di tayo mag-usap. No choice kung baga. Naalala ko na naman lahat ng mga alaalang nakalimutan ko na. Nagkatotoo yung "reliving the past". Iniwan mo siya at nagkabalikan tayo.

Masaya ako noon. Ginawa ko ang lahat para maging maayos tayo. Sabi ko nga dati, hindi ako naniniwala sa reconciliation. Para sa akin noon, lahat ng tapos na ay di na dapat pang balikan pa. Pero kinalimutan ko yun. Lahat ng di mo gusto noon, iniwasan ko. Ayoko na kasing maulit ang mga maling nagawa noon. Binigay ko lahat para sa atin dahil naniwala akong tayo talaga ang para sa isa't isa.

Pero nawala ka ulit. Nawala ang pangakong hindi na tayo maghihiwalay pa. Bawat pagkakataon na magkasama tayo, di ko maramdaman na kasama kita. Parang ang layo mo, parang hindi mo ako nakikita. Balewala lang sa'yo ang mga usapan natin. Naiiwan akong nag-iisa at paulit-ulit na naghihintay.

Sinubukan ko ulit bumangon. Pinilit kong ayusing muli ang buhay ko at masanay na naman na wala ka sa tabi ko. Matagal din yun. Pero dumating ka na naman. Humihingi ng isa pang pagkakataon.

"Everything that happen once can never happen again, but everything that happens twice would surely happen for the third time."

Yun ang drama mo. Kung alam mo lang kung gaano ako natuwa nung sinabi mo yun... Pero hindi, hindi ko tinanggap yun kaagad. Sabi ko, siguraduhin mo muna yung nararamdaman mo, baka nabibigla ka lang o napipilitan. Sabi ko sa'yo, magiging ok ako kahit ano pa ang desisyon mo. Sabi ko, mag-aantay ako sa sagot mo.

Pero di mo sinabi yung sagot mo. Nalaman ko lang sa kaibigan ko ang lahat. Sabi pa nga niya, bago niya yun sabihin na wag daw akong iiyak. Di ko alam kung ano dapat kong maging reaksyon, pero hinanda ko ang sarili ko sa maririnig ko. Sabi mo sa kanya, parang nawala na yung pag-ibig mo para sa akin. Na kung gagamitin mo ang isip mo, talagang ako ang pipiliin mo. Bago na naman ang drama mo. "If the feeling is gone" naman.

Tinanggap ko lahat yun. "No hard feelings". Di nga ako umiyak eh. Eh ganun talaga, wala na akong laban dun. Knock-out na. At least, nalaman ko yung totoo. Nalaman ko kung ano ba talaga ako sa'yo. Yun nga lang, sa iba ko pa nalaman. Pero, ok na rin yun, ang mahalaga, matatapos ko na rin ang lahat. Move-on, kailangan eh. Hindi pwedeng habambuhay ma-stuck. Sabi ko sa'yo, tigilan muna natin ang komunikasyon. Tingin ko kasi, mas makabubuti yun sa atin, lalo na sa akin para naman mabigyan ako ng pagkakataon na ayusin ulit buhay ko. Pumayag ka noon. Binura ko ang numero mo sa telepono ko at lahat ng may kaugnayan sa'yo. Pero kahit papano naman, malalaman ko kung ikaw yung nagtext dahil kabisado ko yung mga last digits sa number mo.

Nagsimula na naman ako. This time, totoo na. Nagustuhan ko yung mga pagbabago sa sarili ko. Ngayon, talagang masasabi kong kaya ko lahat. Parang sumailalim ako sa drug rehabilitation. Mabusisi at matagal na panahon ang nilalaan para lang mawala ang epekto ng droga sa sistema. Para kasing naging ganun ka sa akin. Nasanay ako na lagi kang nandiyan. Nasanay ako sa presensya mo.

Tulad ng mga bagong labas sa rehab, nakalaya din ako sa pagkakakulong sa'yo. Nakita kong marami palang nagmamahal sa akin, at ay mga nasasaktan sa tuwing umiiyak ako dahil sa'yo. "The truth will set you free". At dahil dun kaya malaya na ako ngayon.

Pero eto ka na naman. Hindi ko alam kung bakit paulit-ulit kang bumabalik sa tuwing maayos na ang buhay ko. Nagpaparamdam ka na naman. Hindi ko alam kung ano ang motibo mo para muling magbalik. Nagtataka ako kung bakit. Pero isa na lang ang iisipin ko. Pakikipagkaibigan na lang marahil ang dahilan. Hindi na ako mag-iisip pa ng iba. Baka maling interpretasyon na naman ang ibigay ko. Pero kung yun nga ang iniisip mo, wag kang mag-alala, di pa rin nawawala ang pagkakaibigan natin kahit ano pang mangyari.

Kahit ano pa man ang mangyari, alam ko na sa sarili ko kung ano ang kahalagahan ko. Hindi ko na hahayaang masaktang muli ng isang taong walang pakialam sa nararamdaman ko. I deserve to be happy.

"It's always painful to know that someone is irrevocably gone and all that's left are memories of beautiful days gone by. Sometimes, it boggles my mind why people fall in love, then say goodbye; why they cannot belong forever when at first, they can never seem to part...

... but then i realized that after all, maybe they're just not meant to be."