Thursday, August 30, 2007

thoughts to ponder on

closest to us is not friends and family, but death.
furtherest is not the moon nor the stars, but passed time.
biggest is not mountain nor the sun, but our lust and desires.
heaviest is not elaphant nor iron, but responsibility.
lightest is not the wind nor feathers, but praying or delaying it.
sharpest is not knife nor sword, but our tongue...

Sunday, August 26, 2007

Big Girls Don't Cry



Ikaw Lamang – Silent Sanctuary

Di ko maintindihan

Ang nilalaman ng puso
Tuwing magkahawak ang ating kamay
Pinapanalangin lagi tayong magkasama
Hinihiling bawat oras kapiling ka

Sa lahat ng aking ginagawa

Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta
Sana’y di na tayo magkahiwalay
Kahit kailan pa man

Ikaw lamang ang aking minamahal
Ikaw lamang ang tangi kong inaasam
Makapiling ka habang buhay
Ikaw lamang sinta
Wala na kong hihingin pa
Wala na

Ayoko ng maulit pa
Ang nakaraang ayokong maalala
Bawat oras na wala ka
Parang mabigat na parusa

Huwag mong kakalimutan na kahit nag-iba
Hindi ako tumigil magmahal sayo sinta

Sa lahat ng aking ginagawa
Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta

Sana’y di na tayo magkahiwalay
Kahit kailan pa man

Ikaw lamang ang aking minamahal
Ikaw lamang ang tangi kong inaasam
Makapiling ka habang buhay
Ikaw lamang sinta
Wala na kong hihingin pa
Wala na

haayy.. i love this song.. sobrang sweet.. parang pag kinantahan ka nito, mawawala lahat ng pain na nararamdaman mo.. lahat ng sama ng loob, lahat ng hinanakit, maglalahong parang bula.. ewan ko ba.. ibang klase eh.. hehe Ü

._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._.

pwede ba.. kung hindi mo kayang tuparin yung mga sinasabi mo, kung patuloy mo lang akong iddisappoint, at kung hindi ka rin naman mananatili, pwede ba, kung pwede lang naman, wag ka na lang mag-exist sa buhay ko? kung darating ka lang para umalis din, pwede bang wag ka ng bumalik pang muli? sabi mo hindi mo kayang mawala ako.. kung patuloy lang na ganito, pwede bang pag-aralan mong alisin na ako sa buhay mo? kung pwede lang nman..

hindi ako galit, hindi ako nagtatampo o kung anuman.. hindi ko na nga alam kung ano bang tawag sa nararamdaman ko e. siguro nasanay na ako kaya ganito. pero ayoko ng masanay. sa totoo lang, alam ko namang masaya ka sa buhay mo eh, at masaya din ako sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon. natutunan ko na kasing wag iasa ang kaligayahan ko sa iisang tao eh. ngayon alam ko na na dapat mong matutunan na maging masaya sa buhay mo kahit sa tingin mo nagiisa ka lang. kailangan mo munang maging buo dahil sa iyong kabuuan mas lalo kang napahahalagahan ng ibang tao. at kapag dumating na ang taong para sa'yo, masasabi mo na mas naging masaya ang buhay mo at nagkaron ng kahulugan ang kaligayahan mo ng dahil sa kanya. sa totoo lang, mas natutunan kong pahalagahan ang sarili ko ngayon. nalaman ko na hindi ka masasaktan ng ibang tao, masasaktan ka lang nila pag hinayaan mong gawin nila yun sayo o magpaapekto ka ng sobra.

basta masaya ako ngayon.. alam kong darating din yung araw na magiging mas makabuluhan ang kasiyahan ko.

"you are my sweetest downfall... i loved you first, i loved you first"
._._._._._._._._._._._._._._._._._.
"And I'm gonna miss you like a child misses their blanket
But I've got to get a move on with my life
It's time to be a big girl now..
And big girls don't cry.."