Wednesday, June 13, 2007

Memories Left Unsaid

"Everything that happen once can never happen again, but everything that happens twice would surely happen for the third time."

Matapos ang napakatagal na panahon, nasabi ko na rin sa sarili ko na ok na ako. Dumaan ang mga araw, mga linggo at taon ng wala ka sa tabi ko. Nakayanan ko yun, sabi ko pa nga, magiging ok ako kahit wala ka. Marami na rin mga nangyari sa buhay ko nun, marami na rin akong nakilala at may mga nagustuhan din. Pero ewan ko ba kung bakit parang nananadya ang pagkakataon, pinagsama tayo sa iisang okasyon.

Di maiwasan na di tayo mag-usap. No choice kung baga. Naalala ko na naman lahat ng mga alaalang nakalimutan ko na. Nagkatotoo yung "reliving the past". Iniwan mo siya at nagkabalikan tayo.

Masaya ako noon. Ginawa ko ang lahat para maging maayos tayo. Sabi ko nga dati, hindi ako naniniwala sa reconciliation. Para sa akin noon, lahat ng tapos na ay di na dapat pang balikan pa. Pero kinalimutan ko yun. Lahat ng di mo gusto noon, iniwasan ko. Ayoko na kasing maulit ang mga maling nagawa noon. Binigay ko lahat para sa atin dahil naniwala akong tayo talaga ang para sa isa't isa.

Pero nawala ka ulit. Nawala ang pangakong hindi na tayo maghihiwalay pa. Bawat pagkakataon na magkasama tayo, di ko maramdaman na kasama kita. Parang ang layo mo, parang hindi mo ako nakikita. Balewala lang sa'yo ang mga usapan natin. Naiiwan akong nag-iisa at paulit-ulit na naghihintay.

Sinubukan ko ulit bumangon. Pinilit kong ayusing muli ang buhay ko at masanay na naman na wala ka sa tabi ko. Matagal din yun. Pero dumating ka na naman. Humihingi ng isa pang pagkakataon.

"Everything that happen once can never happen again, but everything that happens twice would surely happen for the third time."

Yun ang drama mo. Kung alam mo lang kung gaano ako natuwa nung sinabi mo yun... Pero hindi, hindi ko tinanggap yun kaagad. Sabi ko, siguraduhin mo muna yung nararamdaman mo, baka nabibigla ka lang o napipilitan. Sabi ko sa'yo, magiging ok ako kahit ano pa ang desisyon mo. Sabi ko, mag-aantay ako sa sagot mo.

Pero di mo sinabi yung sagot mo. Nalaman ko lang sa kaibigan ko ang lahat. Sabi pa nga niya, bago niya yun sabihin na wag daw akong iiyak. Di ko alam kung ano dapat kong maging reaksyon, pero hinanda ko ang sarili ko sa maririnig ko. Sabi mo sa kanya, parang nawala na yung pag-ibig mo para sa akin. Na kung gagamitin mo ang isip mo, talagang ako ang pipiliin mo. Bago na naman ang drama mo. "If the feeling is gone" naman.

Tinanggap ko lahat yun. "No hard feelings". Di nga ako umiyak eh. Eh ganun talaga, wala na akong laban dun. Knock-out na. At least, nalaman ko yung totoo. Nalaman ko kung ano ba talaga ako sa'yo. Yun nga lang, sa iba ko pa nalaman. Pero, ok na rin yun, ang mahalaga, matatapos ko na rin ang lahat. Move-on, kailangan eh. Hindi pwedeng habambuhay ma-stuck. Sabi ko sa'yo, tigilan muna natin ang komunikasyon. Tingin ko kasi, mas makabubuti yun sa atin, lalo na sa akin para naman mabigyan ako ng pagkakataon na ayusin ulit buhay ko. Pumayag ka noon. Binura ko ang numero mo sa telepono ko at lahat ng may kaugnayan sa'yo. Pero kahit papano naman, malalaman ko kung ikaw yung nagtext dahil kabisado ko yung mga last digits sa number mo.

Nagsimula na naman ako. This time, totoo na. Nagustuhan ko yung mga pagbabago sa sarili ko. Ngayon, talagang masasabi kong kaya ko lahat. Parang sumailalim ako sa drug rehabilitation. Mabusisi at matagal na panahon ang nilalaan para lang mawala ang epekto ng droga sa sistema. Para kasing naging ganun ka sa akin. Nasanay ako na lagi kang nandiyan. Nasanay ako sa presensya mo.

Tulad ng mga bagong labas sa rehab, nakalaya din ako sa pagkakakulong sa'yo. Nakita kong marami palang nagmamahal sa akin, at ay mga nasasaktan sa tuwing umiiyak ako dahil sa'yo. "The truth will set you free". At dahil dun kaya malaya na ako ngayon.

Pero eto ka na naman. Hindi ko alam kung bakit paulit-ulit kang bumabalik sa tuwing maayos na ang buhay ko. Nagpaparamdam ka na naman. Hindi ko alam kung ano ang motibo mo para muling magbalik. Nagtataka ako kung bakit. Pero isa na lang ang iisipin ko. Pakikipagkaibigan na lang marahil ang dahilan. Hindi na ako mag-iisip pa ng iba. Baka maling interpretasyon na naman ang ibigay ko. Pero kung yun nga ang iniisip mo, wag kang mag-alala, di pa rin nawawala ang pagkakaibigan natin kahit ano pang mangyari.

Kahit ano pa man ang mangyari, alam ko na sa sarili ko kung ano ang kahalagahan ko. Hindi ko na hahayaang masaktang muli ng isang taong walang pakialam sa nararamdaman ko. I deserve to be happy.

"It's always painful to know that someone is irrevocably gone and all that's left are memories of beautiful days gone by. Sometimes, it boggles my mind why people fall in love, then say goodbye; why they cannot belong forever when at first, they can never seem to part...

... but then i realized that after all, maybe they're just not meant to be."