Kainis. Grabe, ang panget na panimula nun. Ayoko ng palitan, eh sa naiinis ako e, la ng magagawa dun. Kanina lang sobrang ok mood ko, dahil bdae ng dad ko at bdae ng pare ko. Tapos biglang nagbago nung nakita ko yun. Bakit ba kasi kelangan mo pang ilagay yun? Haaay, I can't continue this statement, blog mo yun e, isip mo yun kaya wala akong magagawa kung ano mga gusto mong ilagay. Di ko lang nagustuhan na sumikat dun yung mga taong close saken, kasi ang alam ko, nababasa rin nila yung blog mo. Ewan ko kung papano. Ah basta. Di ko sinasabing tanggalin mo, sana lang next time, matutunan mo yung discretion.. Sumikat ako masyado e..
Haay, enough of a little disappointment..
Gusto ko naman maging bida yung pare ko. Hehe di pa kasi siya formally introduced dito eh. First, pano naging pare. Ahmm, actually di ko din alam kung pano kami nagkaron ng ganung tawagan, basta one time magkatext kami, tas tinawag niya akong bangenge, tinawag ko nman siyang aning usual tawagan na namin yun since nung naging close kami.Tapos bigla na lang naging pare. Ewan ko ba. Haha!
Yung pare kong yun, dark angel. haha! Di ako nagbansag niyan, yun kasi ginagamit niyang code. Kakaiba siya, siya lang yung dark angel na Über sa pagiging thoughtful at supportive saken. Naaalala ko dati nung nagkwentuhan kami sa may tinoco ng 8pm, puro mga kakaibang bagay bout ourselves yung napagusapan namin. Naalala ko din nung nagusap kami bout sa prob ko sa drawing, talagang umiyak na ako sa kanya dahil sa sama ng loob sa mga tao na nagpalungkot saken just because of their grade-envy. Pucha, kasalanan ko ba kung ganun ako tratuhin nung abnormal na prof na yun? Ay basta, enough of the past. Happy ako kasi pag may prob ako, dinadamayan niya ako. Kahit sa text lang, nakakatulong talaga siya para mapagaan yung pakiramdam ko. In return, lagi ako nanjan para sa kanya lalo na kapag may problems siya, especially sa mga problems niya sa bez niya. Pati problems sa grades, dinadamayan ko siya pag down. Remember trinoma at yung beinte? haha Ü
Gusto ko nga lagi siyang happy, kasi kapag malungkot siya, sobrang nalulungkot din ako. Kaya nga kagabi, nagset ako ng alarm para mabati siya ng eksaktong 12 para sa bdae niya, maaga xe akong natulog dahil masakit ulo ko. Pare, dapat happy ka palagi ah? Wag ng problemahin lovelife, hahanapan kita para maiba naman! hehe sana lang mabasa mo to, ayoko kasing sabihan kita para magbasa ng blog ko kasi nahihiya din ako sa mga nilalagay ko dito. Actually, konti lang talaga nakakaalam nitong blog ko, yung mga taong kaya kong sabihan ng nararamdaman ko, at yung mga taong may pakelam sa mga emosyon ko at sa mga nangyayari saken. Ok naman saken na konti lng nakakaalam kasi kashit papano, i want this sharing to be a bit private. Bit lang ha, kasi net to, kamusta nman yun di ba? hehe Ü
Pare, yung promise mo saken ah, pag napako yun, lagot ka talaga. Ang tagal ng hindi natutuloy yun eh. Dapat itreat mo kami, kasi laging walang pasok kapag bdae mo, di pa nga yata kita naggreet sa personal kapag bdae mo since nagkakilala tayo e. Kahiya nga kasi nung bdae ko, natouch ako dahil nakapunta kayo sa dinner thanksgiving na hinanda ng family ko e. Pare, i want you to know na kahit ano mangyari, lagi mo kong malalapitan. Di kita iiwan lalo na sa times na down ka, i'll pull you up para sabay tayong makakangiti ulit.
masaya na ako ulit, nawala na yung munting inis ko. haha! Ü
pare, pag nabasa mo to, magpost ka sa cbox para lam kong nabasa mo na. la lang.
HAPPY 42nd BIRTHDAY DAD!
HAPPY 19th BIRTHDAY OLIVER!
1 comment:
erased na. sorry na
aun. sabi k naman ayokong malungkot ka.
tapos
tapos ayoko din mahuli. wakekeke.
kaya pala d k n nag text
kilala ko yung prof na yun. wakekeke.
happy birthday sa pare mo. hehe.
always smile po
Post a Comment