Thursday, April 2, 2009

letting go

i'm happy for you

easy to say
too difficult to mean

stop stealing my heart
again and again

it's like being killed
a thousand times

being drowned
for so long

being ignored
for too long

being stabbed
for eternity


i'll let you go
slowly
please let me
let you go..

Monday, March 3, 2008

mama

She used to be my only enemy and never let me be free
Catching me in places that I knew I shouldn't be
Every other day, I crossed the line, I didn't mean to be so bad
I never thought you would become the friend I never had

Back then, I didn't know why, why you were misunderstood
So now, I see through your eyes, all that you did was love
Mama, I love you, Mama, I care
Mama, I love you, Mama, my friend
My friend

I didn't want to hear it then, but I'm not ashamed to say it now,
Every little thing you said and did was right for me
I had a lot of time to think about, about the way I used to be,
Never had a sense of my responsibility

Back then, I didn't know why, why you were misunderstood
So now, I see through your eyes, all that you did was love
Mama, I love you, Mama, I care
Mama, I love you, Mama, my friend
My friend, you're my friend

But now, I'm sure I know why, why you were misunderstood
So now, I see through your eyes, all I can give you is love
Mama, I love you, Mama, I care
Mama, I love you, Mama, my friend

Monday, February 11, 2008

one last cry

i'm tired of hiding behind these lying eyes. i'm tired of these smile that even i don't recognize...

i've been keeping these thoughts for a long time now.. i've decided to spill it out on this entry.


Happiness comes in many forms -- in the company of good friends, in the feeling you get when you make someone else's dream come true, or in the promise of hope renewed. It's okay to let yourself be happy because you never know how fleeting that happiness might be.

sobrang bigat ng nararamdaman ko these past few weeks. ang hirap itago na lang sa sarili ko, ayokong makita ng iba na nadudurog na ang puso ko dahil sa mga gumugulo sa isip ko. ayokong mag-alala sila saken. mas gugustuhin ko ng makita nila na lagi akong masaya, nakangiti at tumatawa ng parang "happy-go-lucky" type. jmadalas kasi, gusto ko ako ang nakakapagpasaya sa ibang tao. gusto ko na makatulong para mawala o mapagaan yung mga problema nila. hindi ako sanay na ako ang inaalala. kaso lately, nahihirapan na akong itago yung nararamdaman ko. nakakapagod din pala na laging ngumite kahit sobrang nasasaktan na.

pinaka-importante sa akin ang pamilya ko, Lord knows na araw-araw kasama ito lagi sa mga dasal ko sa kanya. noon, nung akala ko masisira na ang pamilya ko, halos masiraan ako ng baet. sabi ko pa nga, gagawin ko lahat para lang maayos to. sa kanila ako kumukuha ng lakas ko, para sa kanila kaya nakakayanan ko lahat. kahit papano naman, nakayanan namin ang pagsubok na iyon.

ngayon, eto na naman. halos parehong rason, halos parehong pagkakataon. gusto ko pa rin gawin ang lahat. gusto ko maayos lahat. pero pakiramdam ko, ako na lang ang may gusto. ako na nga lang ba? haay di ko na alam. gusto kong magalit, gusto kong magwala, gusto ko iparamadam sa kanila na nasasaktan din kami. na may pakelam kami. na apektado din kami. kaso parang wala ring saysay. di rin sila nakikinig. ang hirap umiyak mag-isa, pero ang hirap din sabihin sa iba ang nararamdaman ako dahil natatakot ako na baka pag sinabi ko, di na ko tumigil sa kakaiyak.

secret lang natin to a, very confidential matter e. wag mong sasabihin sa iba. promise? game.


There are moments in our lives when we find ourselves at a crossroads. Afraid. Confused. Without a roadmap. The choices we make in those moments can define the rest of our days. Of course, when faced with the unknown, most of us would rather turn around and go back. But once in awhile people push on to something better-something found just beyond the pain of going it alone and just beyond the bravery and courage it takes to let someone in. Or to give someone a second chance. Something beyond the quiet persistence of a dream. Because it's only when you're tested that you discover who you truly are. And it's only when you're tested that you discover who you can be. The person you want to be does exist, somewhere on the other side of hard work, faith and belief, and beyond heartache and fear of what lies ahead.

nung 3rd year highschool ako, may dumating na problema sa pamilya namin. sa tingin ko kasi, maliit na problema lang to, yung tipong maayos na usapan lang magiging ok na ang lahat. kaso walang maayos na usapang nangyari kaya siguro lumaki. bakasyon noon ng tatay ko e. umabot sa puntong kailangan niyang umalis ng bahay. iyak ako ng iyak noon. inaantay ko na bumalik siya. dumaan ang tatlong araw, nagtext siya saken, sabi niya magkita daw kami sa jollibee asturias. may klase ako noon nung nabasa ko yung text. di na ako mapakali, gusto ko ng mag-cut para makita na siya. kaso, dahil nga highschool, di pa uso ang pag-cut nun. after class, kabadong-kabado na ako. yung tipong parang defense ko na, kaso ang kaibahan lang, hindi sarili ko yung ipagtatanggol ko. bago ako pumunta ako sa jollibee, tinawagan ko muna si mama. sabi ko, magkikita kami ni tatay ngayon. eto eksaktong sinabi niya saken, sa totoo lang tandang tanda ko pa eh.. "jenny, ikaw na bahala kung anong gusto mong mangyari sa atin. alam ko na kahit papano may galit ka sa akin, ngayon na pagkakataon mo kung gusto mo pang mabuo tayo ulit o magkaganito na lang. ikaw na bahala ah?" sinabi niya ito habang umiiyak. unang bese ko pa lang narinig si mama na umiyak noon. kahit kelan kasi, hindi ko siya nakitang umiyak. di ko nga alam na pwede rin pala siyang umiyak e. kasi ang pagkakakilala ko sa kanya e matapang at malakas. daig pa si darna at si wonderwoman. yung tipong walang makatitinag sa emosyon niya. mali pala ako doon. naiyak ako lalo nung narinig ko siyang umiiyak. lahat ng sama ng loob ko sa kanya noon e nawala. natakot ako sa mga nangyayari dahil mabigat na responsibiliadd ang dinala ko nung panahon yun. natakot ako dahil nakadepende ang lahat sa gagawin ko. natakot ako na mali ang magawa.

nagpunta na ako sa jollibee. nung nakita ko siya, naiyak na kagad ako. ayaw tumigil ng luha. sa totoo lang, wala akong nasabing matino kasi hindi ako makapagsalita ng ayos. sabi niya kasi saken, ako na daw bahala sa bankbook niya, at ipapaschedule na daw niya ng mas maaga yung pagbalik niyang libya. isipin mo, less than one month lang bakasyon niya tapos mas maaga pa siya aalis? at parang yung tipong wala ng balikan. shet. parang gumunaw mundo ko. sabi ko, uwi muna siya sa amin, mag-usap muna sila. ayaw daw niya, wala na daw silang kailangang pagusapan pa. di na ako makaimik. siguro dahil naawa siya saken kaya nagdesisyon na rin siya na sumama sa bahay.


Sometimes pain becomes such a huge part of your life that you expect it to always be there. Because you can't remember a time when it wasn't. But then one day, you feel something else. Something that feels wrong, only because it's so unfamiliar. And in that moment you realize, you're happy.

di ko na eelaborate pa kung ano mga nangyari pagkatapos nun. basta naging ok ang lahat. sobrang thankful ako kay Lord dahil ginrant niya lahat ng dasal ko. hanggang dumating na naman tong ever-present na problema. hindi ko na sasabihin kung bakit o kung ano dahilan. wala akong kinakampihan, pero sa tingin ko, isang malaking factor dito ang distance. di kasi nila mapagusapan ng maayos yung mga kailangan nilang linawin. kaya isang maliit na bagay, masyadong lumalaki. basta walang ginawang masama si mama, nagkataon lang na walang maghahatid sa tito ko. madaling araw na niya sinabi. dapat si kuya che kaso may pasok kinabukasan, eh 3am ang alis. si kuya carnette naman, walang lisensiya. ewan ko ba kasi kung bakit kelangan pang ihatid sa airport samantalang pwede namang magtaxi na lang papunta. nagpunta si tito kay mama, tinanong niya kung pwede daw ba si melvin. sabi ni mama, hindi niya alam. tinawagan ni tito si melvin, kinausap niya para siya ang maghatid dahil wala ng ibang magddrive, babayaran naman niya e. asan dito ang kasalanan ni mama? di ko talaga makita.

pero di ko rin sinasabing kasalanan ni tatay. naiintindhian ko namnan na kapag malayo e talagang maraming mga naiisip na lalong nakakagulo. kaso, hindi namin alam na galit pala siya, di namin naisip na magagalit siya, kasi unang-una, wala naman kaming maisip na dahilan para magalit siya e. ang kinaiinisan ko lang sa lahat ng mga nangyayari, bakit hindi nila magawang mag-usap ng maayos para magkaliwanagan sila? sinabi ko na naman ito kay tatay kaso parang ayaw niyang makinig. parang sarado ang isip niya. yun ang masakit.


As we strain to grasp the things we desire, the things we think will make our life better, money, popularity, fame, we ignore the things that truly matter. The simple things like friendship, family, love, the things we probably already had.

minsan naiisip ko, siuro kung hindi nagtatrabaho sa iabng bansa si tatay magiging maayos ang lahat. bakit ba kasi kalinagan magtrabaho pa sa malayo? bakit ba kasi maraming umaalis ng bansa para maitaguyod ang pamilya? bakit maraming pamilya ang kailangan magsakripisyo at magtiis na malayo sa isa't isa? pero alam ko naman ang sagot e. kailangan kumita ng pera para makapag-aral kami at magkaron ng maayos na pamumuhay. para makabili ng mga cellphone, psp, digicam, sasakyan, bahay, at kung anu-ano pa. hindi ako magpapaka-plastik at sasabihing ayoko ng mga bagay na ito. gusto ko syempre, ang ayoko lang, kailangan pang malayo sa isa't isa para lang mabili yung mga luhong yan. nakakainis di ba? gusto mo, pero ayaw mo.


They give their hearts to each other unconditionally ...that's what true love really is. It's not this fairy tale life that never knows pain, but it's two souls facing it together and diminishing it with unconditional love.

at minsan, di ko rin maiwasang hindi isipin na bakit pa kailangan magpakasal kung magkakahiwalay din? of course, di ko ini-imply na maghihiwalay sila. yun ang pinaka-ayaw kong mangyari. pero syempre dahil kahit papano nagmamature na ako, alam ko na kahit mga 2% pwedeng magkatotoo yun sa lahat ng mag-asawa. bullshit di ba? sa kasal, nangangako kayo na hindi maghihiwalay, for better or for worse, for richer and for poorer, in sickness and in health, till death do us part. ekek. damn it. kaya ayoko sa pangako e, kasi ang tendency laging masira lang. shitness talaga. bakit hindi niyo maayos yung kailangan ayusin? bakit simple at maayos na pag-uusap lang hindi niyo magawa? minsan talaga, gusto kong iwish na wag ng makasal yung mga maghihiwalay din sa huli. maskit eh, iniisip ko palang, sobrang nasasaktan na ako. buti sana kung yung mismong magasawa lang ang apektado sa mga gusto nilang mangyari e. eh pano kung may mga anak na sila. kapag ayaw na nila, stop na, ganun? bahala na silang lahat basta ayaw ko na, ganun? di ko na kaya kaya suko na ako, ganun? eh pano na kami? ganun na lang, ganun?


You can find the good in anybody if you just give them a chance, benefit of the doubt.Sometimes people disappoint you, sometimes they surprise you, but you never really get to know them until you listen for what's in their heart.

naiisip ko, bakit kay mama kailangan isisi lahat ng bagay na wala naman siyang kasalanan? bakit nung na-sheriff yung rights, kay mama nagalit, eh wala naman siyang alam sa mga tumatakbong kaso na pala nung bahay na yun. bakit hindi siya magalit sa mga kamag-anak niya? bakit kahit kelan, hindi niya pinagsabihan yung mga yun kapag nagkakamali sila, kapag inaaway nila kami?! sana ipagtanggol namna niya kami, kasi kami na ang pamilya niya ngayon. kahit kelan, hindi niya pinagsabihan yung mga MABABAIT niyang kapatid na lagi na lang KABUTIHAN ang ginagawa sa amin. nasaan ang justice? bakit di mo mapagtanggol si mama?

nung binagsakan mo siya ng telepono, at ayaw mo akong makachat o sumagot man lang sa email, umiyak kami. katabi ko lang siya nun, hindi ko man nakitang may tumulong luha sa mata mukha niya, pero alam ko na umiiyak siya. alam ko na sooooooobrang nasasaktan siya. at alam ko din na mahal na mahal ka niya. di ko siya magawang tignan dahil ayokong makita din niya na umiiyak din ako. nahihirapan din siya. hindi lang ikaw. hindi lang kayo. minsan sana maiisp niyo din kami. sana lang.

dati, nung unang mangyari to, ipinagdasal ko na sana magkaayos kayo at mabuo muli ang pamilya natin. mahal na mahal ko kayo. pero ngayon, kapag nagdadasal ako, sinasabi ko na lang na sana, kung ano yung talagang gusto nilang mangyari, yun ang mangyari. na sana kung ano yung gusto ng puso nila, yun ang matupad. kasi alam ko na sa puso nila, gusto rin nilang maayos ang lahat. alam ko yun. nararamdaman ko yun. at sana gumawa sila ng paraan para mangyari kung ano yung gusto ng puso nila.


You have one chance, one life, and what you do with it is up to you.

Monday, January 28, 2008

it isn't you, isn't it?


i'm looking for a friend not a lover
somebody who can be there when i need someone to talk to
i'm looking for someone who won't pretend
somebody not afraid to say the way they feel about you

and i'm looking for someone who understands how i feel,
someone who can keep me real and who knows the way
the way i like to have my way
and i'm looking for someone who takes me there,
wants to share, shows he cares
i'm thinking you're the one that i've been waiting for

is it you? is it you?
maybe you're the one i've been waiting for
could you be the one for me?
could you be the one i need?

is it you? is it you?
maybe you're the one i've been waiting for
could you be the one for me?
could you be the one i need?

i'm looking for someone to share my pain
someone who i can run to, who will stay with me when it rains
someone who i can cry with through the night
someone who i can trust who's heart is right
and i'm looking for someone

and i'm looking for someone who understands how i feel,
someone who can keep me real and who knows the way

the way i like to have my way
and i'm looking for someone who takes me there,
wants to share, shows he cares
i'm thinking you're the one that i've been waiting for

is it you? is it you?
maybe you're the one i've been waiting for
could you be the one for me?
could you be the one i need?

is it you? is it you?
maybe you're the one i've been waiting for
could you be the one for me?
could you be this one i need?

someone who won't take for granted
how much i care and appreciates that i'm there
someone who listens
and someone i can call who isn't afraid of love to share

is it you? is it you?
maybe you're the one i've been waiting for
could you be the one for me?
could you be the one i need?

is it you? is it you?
maybe you're the one i've been waiting for
could you be the one for me?
could you be the one i need?

Sunday, January 6, 2008

All's Well That Ends Well

2007 has been like a sinusoidal wave for me. It has its positive peaks and negative peaks. However, I don't regret any single thing that happened to me because I know for a fact that even if I failed in some situations, I have learned my lessons and I'm willing to change for the better, if not the best. Going back, my 2007 didn't started out fine. I was drunk when I welcomed the year and it seemed like a bad sign. Bad fengshui, bad luck, and bad start. But then, I managed to regain my self back. I celebrated my 18th birthday on March. I am happy at some point, and at the other end, somehow I'm sad because I remembered my friend's debut wherein I was one of the emcees. I love those memories and I miss them so damn much. I don't know what happened to me after that, because as the saying goes, when it rains, it pours. Problems came rushing in, piling one over another. I may not overcome all those things if it haven't been because of my friends and family who supported me when almost every cell of my body tells me to give up. They may don't know much of what I feel but their presence and care gave me strength and courage to stand up and pick every shattered piece of me. Special mention to kadyot: my ever-dearest sis ninya, you gave moral and spiritual help. You don't fail to remind me to keep holding on to His hand, because when everyone gives up on you, He will be the one who'll carry you until you can manage to walk again. To jah, thanks for being always there. I know I can run to you whenever I need you and I'm happy for that. Arianne, your hugs means a lot to me. It gives me encouragement when my tears keep on falling. Deb, your silence expresses much of your sympathy. The mere sight of your deep eyes is all I need to see and I understand everything just because you listens. Chie, thanks for the strength that you gave me. You taught me to be strong and gives me a full sight of the situation; I know that if I'll ask you, you'll give the unbiased answer. Not the solution that I may want to hear, but the solution that I can choose from, good and bad, and when to hope and stop hoping. You're an eye opener to the things that I need to see, and I really thank you for that. Guys, thank you, thank you, thank you. Need I say more? You know how to distinguish a fake and real smile, a forced laughter and a feel-good one. You taught me what real friendship means.



The past year was not all about those bad old days. Much of my memorable gimmicks happened during those times. Class outing in a resort situated in the middle of nowhere, in the middle of the forest, in the middle of farms, in the middle of...Bulacan. Movie unwindings, so much to mention. Honestly, I can't remember all the movies that I've watched with my friends. Bagaberde and Formula Bars, and many other bars that we've been before we reached that Formula, you know it suits us well. Overnights in ninya's house, which seems like my most visited friend's house. You nkow the type when I don't have anything to wear for the next morning but still we manages to go to Taytay just to fetch ninya home. And I love it when I'm there, coz it feels like home. I still get a good smirk on my face when I remember what Glenn, Charles, Jericho, and the rest says when I bring a backpack at school. "May lakwatsa at overnight na naman kayo ah! Di talaga kayo nauubusan ng lakad!" I think this should be our answer to that.. "Kailangan pa bang imemorize yan? Bisyo na 'to!!!"



Simple meriendas and lunches at McDo, Jabee, Chubby Kitchen, KFC, Frio Mixx, 1&2, McDo, Jabee, Chubby Kitchen, McDo, Jabee, McDo, McDo, McDo, .... SO much good memories.. Like what sis said, "lam niyo ba kung ano yung best gift na natanggap ko this christmas? Answer: good memories kasama kayo.. yikeeeeeeee..." Really touching, you almost made me cry...



As they say, you should start the year right. And I intend to follow, so I'll do what my teacher in elementary instructed us back then: to make an essay about your new year's resolution. However, this will be a little modified coz I hate formal writing.I'll just enumerate and elaborate.





Jenny's New Year Resolution for 2008



I'll give my best effort...





1. ... in keeping my room clean and tidy. My mom usually says "may pagka-burara ka kasi e".





2. ... in assisting my brothers for schoolworks. this is one heavy responsibility if you're the ledest and you have two crazy siblings.





3. ... in being physically fit and healthy. I'm beginning to have belly rings. And I still want to wear my swimsuits for summer break decently!!



<>


4. ... in doing debt assessments. Okay, this may sound complicated but what I really mean is to always do my "listahan ng pautang" for our store every friday night. We have a little business and most of the AVT drivers and helpers eat and take credits in our store, stuffs like softdrinks, junkfoods, canned goods, etc... And friday is always my dreadest day of the week because I should manage to do those lengthy task. 2hrs minimum (no TV break, no tambay break, no chichirya break, candy break, ice cream, chocolate.... breaks), 5 hrs maximum (watch telenovelas, up to Bubble Gang, text break, water break, CR break, tinda break, heartbreak, oooops, sorry, never mind the last one! Ü)






5. ... in completing my lecture notes. I hate photocopying notes of my classmates. It makes studying hundred times a burden, laziness kills.





6. ... in focusing and meeting all the requirements and passing all subjects. No more: I think I shall never see, a grade as lovely as a three... Or even: I did my best, but I guess my best wasn't good enough... (just seek the help and intervention of St. Jude, the patron of the impossible... haha!)





7. ... in being a good friend. You know, you're not human if you don't have any friends. But you're not human either if at any point you don't get to be irritated by other bitches. I'll try to be nice as much as I can. Patience is really my virtue, and you'll be tired of testing me, but if you get to the maximum output patience that I can give, haaaaay, you'll really really wish that you'd never knew me at all. Swear.





8. ... in being a responsible and loving daughter. Sometimes, I could be a big pain in the ass and a pounding headache even though at times, I really don't mean to be one. Ma, Tatay, I'm sorry... I always try to make it up to you.



I have a good fengshui this year and 8 is my lucky number because it symbolizes continuity and non-breakage. I'll prove it to be true. *wink!*

Tuesday, October 30, 2007

what happened to us?

kanina ko lang na-realize na hindi na pala tayo friends sa friendster. in-add kita ulit at nakita ko na viniew mo yung account ko pero di mo pa rin inaccept yung friend request. ayaw mo na ba? sabihin mo lang, di na kita guguluhin. gusto ko lang naman kahit papano, masalba ang pagkakaibigan natin. pero kung naiinis ka na sa pangungulit ko, i'm sorry. hindi ko kasi kayang magsawalang-bahala sa mga nangyayari sa atin. gusto ko gumawa ng move para magkaayos tayo, kung hindi man kagaya ng sobrang closeness natin dati, ok lang basta malaman ko na maayos na tayong tatlo. ngayon lang ako nalungkot ng ganito ngayong sembreak. ang sakit pala. nakakadurog ng puso..

kanina, inayos ko yung photoalbum ko nung highschool. andami kasing mga pic na nakakalat sa isang drawer kaya naisipan kong iorganize. nakita ko yung mga pic naten. nakangite. nakaakbay sa isa't isa. magkahawak-kamay. ang hirap pala ayusin ng mga larawang iyon dahil bumalik sa alaala ko ang mga masasayang sandaling pinagsaluhan natin. naisip ko tuloy, marami pa akong mga bagay na kailangang ayusin. yung cabinet ko, yung mga libro, yung mga notes, yung mga testpaper, yung nagdaan. ang gulo, napakagulo. parang buhay ko, marami pang mga kabanata na naiwang nakabukas, marami pang katanungang hindi nasasagot. mga pangyayaring nababalutan ng isang makapal na ulap na tila ba ayaw magpasilip sa mga bituin upang bigyang-liwanag ang kadiliman ng gabi.

marami pang kalat. di ko pa rin matapus-tapos ayusin ang lahat.


nakita ko itong bookmark nung nag-aayos ako. para makagaan sa pakiramdam ko, gusto ko lang isama dito.


footprints in the sand


One night a man had a dream. He dreamed he was walking along the beach with the LORD. Across the sky flashed scenes from his life. For each scene he noticed two sets of footprints in the sand: one belonging to him, and the other to the LORD.

When the last scene of his life flashed before him,he looked back at the footprints in the sand. He noticed that many times along the path of his life there was only one set of footprints. He also noticed that it happened at the very lowest and saddest times in his life. This really bothered him and he questioned the LORD about it:

"LORD, you said that once I decided to follow you, you'd walk with me all the way. But I have noticed that during the most troublesome times in my life, there is only one set of footprints. I don't understand why when I needed you most you would leave me."

The LORD replied:
"My son, my precious child, I love you and I would never leave you. During your times of trial and suffering, when you see only one set of footprints, it was then that I carried you."

Sunday, October 28, 2007

♥ sylvanna cravings ♥

i love my new jacket! haha!

enrollment kanina.. medyo mahaba din ang pila, pero tolerable pa naman, kasama ko naman si niña at jah e. pagpasok naman sa loob eh mabilis lang sa assessment saken dahil may educational plan sa prudential. kainis yung nasa teller na napilahan ko sa payment na, sobrang tagal at mali ang sistema. hindi gumagalaw yung pila namin tas unang inaasikaso yung nasa kabilang pila na assessment. after 10 years, nagdecide na ako na lumapit at ibigay ang form ko. sabi niya, "miss, mamaya ka pa, meron pang mga form dito." sabi ko naman, "eh miss kanina pa ako nakapila dito, sa totoo lang hindi naman gumagalaw yung pila namin kanina pa dahil inuuna yung nasa kabilang assessment. kanina pa nga tapos mga kasabay ko na saibang counter pumila e." eh di todo explain ako, sa maayos na paraan naman. ayun, medyo na-realize siguro niya na may point ako kaya inayos na yung saken. kawawa naman yung mga nasa likod ko, nahihiya yata sila magreklamo. para saken naman, bakit ka kailangang mahiya kung nasa tama ka naman at kung sasabihin mo yung gusto mong sabihin sa maayos na paraan, di ba?

pagkatapos noon, church muna kami. ayos nga e, may kinakasal. tapos ang saya nung kanta, parang pangbirthday yung mass songs. hehe Ü pero siguro ako, gusto ko solemn yung wedding, yung tipong medyo maiiyak ka at mararamdaman mo yung bagong mundong papasukin mo kasama ang "partner for life" mo. bah, minsan ka lang naman ikakasal ah!

walang group lakad kasi gustong umuwi kagad ni arianne sa dagupan dahil sabay siya sa tita niya at kapatid, may lakad si jah dahil puntang mandaluyong, gusto na rin umuwi ni chie sa batangas dahil pagod daw siya, wala si deb kasi umuwi kagad sa blumentritt pero tingin ko trip pa rin niyang maglakwatsa at umuwi siya para magpalit ng damit. kahit na may konting damdam ako sa kanila dahil plano na nung kuhaan ng clearance na may lakad after enrollment, ok lang kasi di naman masyadong importante yung lakad at mahahalagang lakad yung pupuntahan nila. masaya din ako dahil kinausap ako ni chie, ang tagal na kasi niyang hindi nagpaparamdam sa amin, ewan ko ba kung bakit. siguro dahil sa hindi natuloy na outing sa batangas.

dahil may plano talaga kami ni niña na bumili ng jacket that day, nagdate na lang kaming dalawa sa megamall. inabot na ng 2years dahil sa traffic, pero ok lang. dami naman kaming napag-usapan e, saka, there's no dull moment kapag kasama ko ang sis ko. di makalimutan yung kwento sa mga kamanyakan ng mga lalakeng makakapal ang muka. yung sinasadyang maniniko ng b**bs. at ang kwento sa pagsapak ko sa isa sa kanila. manyak e. dapat lang sa kanya yun.

matagal na talaga naming planong bumili ng jacket. at dahil nga mahal yung nagustuhan naming jacket sa nike, ang tagal din pinagipunan. dugo at pawis at panlalambing sa mga tito at tita ang puhunan ko. haha! pero, sheeeeet talaga kasi ang ganda nung nabili namin. una kaming pumunta sa nike stadium sa sm megamall. sa kamalasan, wala ng medium nung style na gusto namin. so ask kami kay kuya kung meron sa nike stadium sa shangrila. ayun, meron ng size nmin kaya naglakbay kami papuntang shang. dahil type talaga namin yung jacket, dedma ang paltos na inabot ng paa.

after jacket, tiyan naman namin ang problema. balik ulit kami sa mega para kumaen. foodtrip ang drama. di nman ako masyadong nagtakaw, konti lng.. hmm.. lumpiang sariwa, sisig w/ rice, at medium iced tea. at dahil hindi kami satisfied sa kinaen, and i quote, "nguya lang ako ng nguya e, hindi ko na nalasahan yung kinakaen ko". sheeet, gutom nga naman.. haha! so nagyaya si niña na magmuffin sa mr donut. on the way, nadaanan namin yung brownies unlimited. dahil favorite ni mama yun, i decided to buy her 6-pak. tas nagbilin din si mommy, mama ni niña, ng brownies kaya bili din si niña. tas natakam kami sa sylvannas. ayun, first time kong nakakaen ng ganun dahil matamis daw sabi ni sis. haaaay love it soo much. sarap nga. haha! naalala ko yung tanong ko kay niña, "teka, pano kainin to. ganito, ahmm?" Ü



sensya na, feel ko lang talaga magkwento sa mga nangyari saken ngayong araw na to. although medyo walang saysay tong post ko, eh ganun talaga, gusto ko magshare e. haha! talagang sobrang detalyado pa.. hehe.. i guess, dahil yun sa fact na lagi akong masaya kapag kasama ko sis ko. there's no dull moment with her. thanks sis! happy ako kasi nakapagusap na tayo ulit nga maayos. updated na ako ulit sayo. haha Ü sana lumamig na yung panahon o kya mejo umulan para magamit na naten yung jacket! Ü

i love my new jacket! haha!